Baradong drainages sa Naga City, dahil pa rin sa plastik

NAGA CITY – Plastik pa rin ang tinuturong dahilan ng mga baradong drainages sa Naga City na nagreresulta sa labis na pagbaha sa ilang barangay sa lungsod lalo na ngayong tag-ulan at may binabantayan pang bagyo.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Engr. Joel Martin, head ng Naga City Solid Waste Management Office, sinabi nitong base sa kanilang araw-araw na operasyon sa pagdedeclog ng mga drainages sa lungsod, dominante pa rin sa mga nakukuha nila mula rito ay ang mga plastik. Aniya noong mga nakaraang buwan, kasama sa nakukuha nila mula sa pagdedeclog ang mga karton, plastic bottles, sanitary napkins at diapers at karamihan sa mga ito ay supot ng mga plastik.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Inihayag din ng opisyal na sa ngayon wala pa sila sa 50% sa pagdedeclog ng mga drainages sa lugar kahit na nga hinati na nila ang mga personahe sa dalawang team katuwang pa ang City Engineer’s Office personnels maging ang mga tauhan ng City Environmment and Natural Resources Office.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Aminadong kulang ang opisina sa personahe maging sa mga kagamitan sa pagdedeclog dahil hanggang ngayon, mano-mano pa rin ang kanilang paglilinis sa mga ito. Gayunpaman, pinaplanuhan na nilang i-request ngayon sa Mayor’s Office ang mga kagamitan para sa pagdedeclog upang mapadali sa paglinis nito at masiguro rin ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan.