Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo – namumuro sa susunod na linggo!

Asahan na ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Kung ang unang estimates ay purong rollback lang, sa huling araw ng trading ay nagbago ang ihip ng hangin at posible na ang umento sa gasolina.

Read More:  ₱11.6M shabu shipment from South africa seized at Clark Port

Sa pagtataya ng oil industry sources, posible ang dagdag na P0.20 hanggang P0.40 sa kada litro ng gasolina.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Sa kabila nito, rollback naman ang inaasahan sa diesel at kerosene.

Para sa diesel – mayroong inaasahang tapyas mula P0.30 hanggang P0.50; habang P0.50 hanggang P0.70 naman sa kerosene.