2 miyembro ng NPA, sumuko sa Philippine National Police Bicol

SUMUKO sa Philippine National Police (PNP) Regional office 5 ang dalawang miyembro ng New People’s Army mula sa magkaibang probinsya sa Bicol.

Matapos tumiwalag sa samahan si alyas “Rod” na mula sa Sorsogon na miyembro ng Squad 1, Komiteng Larangang Guerilla 2, Sub Reginal Committee 3, BRPC at si alyas “Boyet” na kabilang naman sa Platoon 3, Larangan 1, Komite ng Probinsya 4 sa Masbate.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Sa pagsuko ni “Boyet”, nakuha ang isang yunit ng kalibre .45 pistola, isang magasin, at tatlong bala.

Read More:  5 injured after military vehicle overturns and plunges into creek in Aklan

Nais ng PNP Bicol na pag-igtingin pa ang kanilang mga inisyatibo upang mapanatiling ligtas at matigil na ang karahasan na dinudulot ng mga NPA sa rehiyon. # # # Pauline Manga, Intern