PCO, kompiyansang mas maraming maiuuwing medalya ang bansa sa Olympics

All-set na ang 22 manlalaro ng Pilipinas na magbigay karangalan sa bansa sa paparating na 2024 Paris Olympic Games.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino, nasa huling bahagi na ang mga atleta para sa kani-kanilang paghahanda sa kauna-unahang pinagsamang training camp sa Metz, France.

Read More:  Aurora Gaming PH wins MPL Philippines Season 18 title

Plano rin sana nilang ipatupad ang kaparehong programa noong kampanya ng Pilipinas sa Tokyo Olympics, ngunit hindi ito nagawa dahil sa mga paghihigpit na dala ng pandemya.

Read More:  Alex Eala set for Diana Shnaider rematch in Pan Pacific Open quarterfinals

Dahil dito, kompiyansa si Tolentino na mas marami pang medalya ang makukuha ng Pilipinas kaysa sa apat na nasungkit sa Tokyo.