Sen. Risa – umaasang hindi magiging ‘déjà vu’ ng nangyari sa kaso ni Quiboloy ang ginagawang pag-aresto kay Guo

Umaasa si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na mas mapapabilis o hindi mauuwi sa ‘déjà vu’o kaparehong sitwasyon ang ginagawang pag-aresto kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa patuloy na pagtugis kay Apollo Quiboloy.

Kasunod ito sa naging bigong pag-aresto ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) kay Guo sa kamakailang pagbisita nila sa residential at garment factories nito sa Bulacan, Valenzuela at Balintawak.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Anya, bagamat hindi pa nahuhuli si Quiboloy ay maituturing na positive development ang pagkahuli sa isa sa kanyang tauhan na si Paulene Canada na di umano’y kasabwat nito sa pananamantala sa mga pastoral ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Samantala, muli naman itong nanawagan kay Quiboloy at sa iba pang kasabwat nito na sumuko na lang at harapin ang kanilang pananagutan sa ilalim ng batas.