Ikinasal ang 10 couples mula sa Gattaran Cagayan kahapon July 18,2021 sa isinagawang kasalang bayan ng Police Regional OFFICE 2 sa St. Vincent Ferrer Chapel.
Ito ay bilang bahagi ng adbokasiya ng PNP sa pagpapatibay sa pamilyang Pilipino at bilang suporta sa the PRO2 Lingkod Bayanihan Program.
Pinangunahan ni Reverend Father Police Captain Rhey Dollesin ang Regional Pastoral Officer ang sacrament of matrimony kung saan binigyan diin nito ang 3N o Nagmamahal, Nag-aalay at Nagdarasal requirements para sa matagal na relasyon.
Samantala, binati naman ni PBGen Crizaldo Nieves ang mga bagong kasal at inihayag nito ang importansya ng pagpapasensya at pag-iintindihan sa pagitan ng mag-asawa.
Kasabay nito ay ang pagdiriwang ng 29th wedding anniversary ni RD Nieves at asawa nito na si Mrs. Imelda Nieves na kabilang sa Principal Sponsors ng mga ikinasal kasama ang mga miyembro ng Command Group, Regional Staff at Provincial Directors ng mga Police Provincial Offices.