Itinanim ang nasa 700 na punla ng kawayan sa river banks at tabi ng sapa sa apat na barangay sa lunsod ng Cauayan na natukoy bilang flood prone area.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ang nasabing mga barangay ay kinabibilangan ng Carabatan Grande, San Luis, Turayong at Alicacao.
Ang naturang 2-day scheduled riparian development sa pamamagitan ng bamboo o tree planting activity ay bilang pagtalima sa National Disaster Resilience Month.
Nagmula sa PGI-ENRO ang mga itinanim na kawayan at kupang seedlings na siyang nangasiwa sa implementasyon ng naturang proyekto.
Dinaluhan ang naturang aktibidad ng 85 na benepisaryo ng cash-for-work program mula sa apat na nabanggit na barangay, City ENRO, SWDO, PNP Cauayan at mga opisyal ng barangay.
Ipinaliwanag naman ni City ENRO Engr. Alejo Lamsen ang paraan ng pagtatanim at pangangalaga sa mga itinanim na kawayan at kupang upang matiyak ang magandang paglaki nito.
Sa kabuoan ay 700 bamboo propagules at 300 kupang seedlings ang naitanim kung saan nasa 250 ang naitanim sa bawat barangay.