Alitan ng 2 lalaki sa Macalelon, Quezon, nauwi sa pananaga

Sugatan ang isang lalaki matapos itong pagtatagain ng kanyang nakaalitan sa Barangay San Isidro, Macalelon, Quezon nitong Sabado, Hulyo 13.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, nagkaroon umano ng pagkakataon ang suspek na kumuha ng bolo at saka pinagtataga ang biktima sa gitna ng pagtatalo ng mga ito.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Nagtamo ng mga taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima kung kaya isinugod ito sa hospital para malapatan ng lunas habang ang suspek naman ay naaresto ng mga awtoridad.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

Kasalukuyang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.