Halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa habagat sa Mindanao, umabot na ng P18M – NDRRMC

Umabot na ng halos P18 million pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa habagat sa Mindanao.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Managament Council ,pinakamalaking naapektuhan ang mga pananim sa Kalilangan sa Bukidnon sa Region 10 na umabot sa 16, 187, 687. 5 pesos.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Habang naitala sa Munisipyo ng Baliguian sa Zamboanga del Norte sa Region 9 ang halos 700 thousand pesos na pinsala sa mga pananim.

Partikular na naaapektuhan ay ang mga tanim mais at palay.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Dahil sa sama ng panahon, nasa 238 naman na mga magsasaka ngayon ang apektado sa 2 rehiyon.

Patuloy naman ang isinasagawang assessment ng pamahalaan sa maaaring tulong sa mga naapektuhan.