Ban sa red onion importation – in-extend hanggang Agosto

Palalawigin pa ng Department of Agriculture (DA) ang pag-ban sa pag-import ng mga pulang sibuyas hanggang sa katapusan ng Agosto.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., hindi naman kailangan talagang mag-import ng sibuyas.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Una na ring sinabi ng ahensya na mayroong 162,000 metric tons ng pulang sibuyas na inaasahang magkasya hanggang February 2025.

Samantala, nagbabala si Laurel na sakaling maghigpit ng release ng stock ang mga ‘unscruplous na traders,’ kakailanganin ng bansa na mag-import para maging stable ang presyo ng sibuyas.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Pagdedesisyonan umano ng ahensya ang import ban extension kada-buwan.