FBI tukoy na ang suspek sa pamamaril sa campaign rally ni former US President Trump

Sugatan si dating US President Donald Trump matapos tamaan ng bala ng baril sa tenga sa kaniyang campaign rally sa Butler, Pennsylvania.

Natukoy naman ng Federal Bureau of Investigation (FBI), ang isang 20 anyos na lalaking suspek na si Thomas Matthew Crooks.

Read More:  Philippines, Canada aim to conclude free trade agreement this year

Ayon sa mga rehistradong botante ng estado, si Crooks ay isang Republican na mula sa Bethel Park, Pennsylvania.

Inanunsyo naman ng Federal Aviation Administration noong linggo ang agarang pagpapasara ng airspace sa Bethel Park para sa mga espesyal na dahilan ng pangseguridad.

Read More:  Venezuela earthquake death toll nears 1,500

Samantala, mariing kinondena ng mga lider ng iba’t ibang bansa ang nangyaring insidente kabilang na si Pangulong Ferdinand Jr. (BRIGADA NEWS INTERN-ANGELINE MESINA)