Dadalo ang girl group na BINI sa isang pagtitipon ng KCON LA sa Los Angeles U.S.A.
Inihayag ng KCON sa X account nito na ang girl group na BINI ay makikilahok sa isang music at pop culture na kung saan nagtitipon-tipon ang mga K-pop artist at mga taga-suporta ng mga ito.

Gagampanan ng BINI ang isang malaking oportunidad na makapag-perform sa KCON. Nakilala ang girl group dahil sa pumatok nitong mga kanta na “Pantropiko at Salamin, Salamin”.
Ang nag-hit na kanta ng pambansa girl group ay papakinggan din sa entablado sa pre-show ng “M Countdown sa July 27. (BRIGADA NEWS INTERN – JESSA QUIROZ)