Julia at Joshua, magkasamang muli sa isang pelikula

Unexpected comeback,  ang pagsasamang muli ni Joshua Garcia at Julia Barretto sa isang pelikula ng Star Cinema at Viva Films na “Un/Happy For You”.

Wala namang naging problema sa kani-kanilang kasintahan ngayon.

Nilinaw naman ni Julia na sa kanyang trabaho lang ang muli nilang pagtatambal ni Joshua.

Read More:  Ate Gay’s family threatens action against individuals spreading false reports about comedian’s death

Aniya, “I believe, Josh and I are both in our secure place in our lives. At sinang-ayunan naman ni Joshua ang bagay na ito.

Pahayag ng aktor na iba ang approach nila pagdating sa trabaho may professionalism at bounderies.

Natanong naman kung nagpaaalam ang aktor sa kanyang current partner bago ito gawin at ang sagot naman niya ay “No”.

Read More:  Comedian Ate Gay dies at 55 after battle with cancer

Paliwanag ni Joshua na hindi na siya nagpaalam sa partner niy dahil alam raw nito na ang trabaho niya ay pagiging aktor.

Dagdag pa  niya na very supportive daw ito sa bago ginanapang movie. (BRIGADA NEWS INTERN-RAUVIC CIFRA)