Tulong para sa mga resort operators sa Calamba City, Laguna, siniguro ng lokal na pamahalaan

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Calamba City Laguna na patuloy silang maghahatid ng tulong para sa mga empleyado at operators ng mga private resort sa siyudad na apektado pa rin ng community quarantine restrictions.

Ayon kay Calamba City Mayor Justin Marc Chipeco, nagsasagawa na sila ng kaukulang hakbang upang pahintulutan ang mga private resorts partikular sa Barangay Pansol na maipagpatuloy nang muli kanilang operasyon.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Aniya, iniapela na nila ito sa COVID-19 Inter-Agency Task Force upang pahintulutan ang mga resort owners na muling makapag-operate.

Mababatid na isa ang sektor ng turismo sa lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic sa lungsod kung saan apektado ang mga operasyon ng private resorts dahil sa maigting na general community quarantine.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Matatandaan na nitong Mayo ay umapela ang mga resort operators kay Mayor Chipeco at sa DOT upang pahintulutan na umano silang magbalik-operasyon ngunit hanggang ngayon hindi pa rin sila pinapayagan.

Sa ngayon, hinihintay pa rin ang desisyon ng pamahalaang lungsod at ng mga kaukulang ahensiya ng gobyerno kung kailan maaaring magbukas at magpatuloy ang operasyon ng mga private resorts sa naturang lungsod.