1.5 milyong Sinovac doses na binili ng gov’t., dumating sa bansa

Dumating sa bansa ngayong umaga ang kabuuang 1.5 milyong doses ng CoronaVac vaccine ng Sinovac.

Lumapag ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sakay ng Cebu Pacific Flight 5J671 kaninang alas 8:01 ng umaga.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Ang mga nasabing bakuna ay binili ng pamahalaan para mapaigting ang COVID-19 response ng bansa.

Mababatid na kahapon ay dumating sa bansa ang mahigit isang milyong doses ng AsraZeneca COVID-19 vaccine doeses.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Binili ang mga doses ng local government units at private sector.

Sa ngayon, pumalo na sa mahigit 14 milyong Pilipino ang nabakunahan ng gobyerno laban sa COVID-19, 10 milyon dito ay naturukan na ng unang doses habang apat na milyon na ang fully vaccinated.