Batangas PPO, kampeon sa Joint Search and Rescue Team Challenge 2024.

Itinanghal na kampeon ang Batangas Police Provincial Office o BPPO sa katatapos lamang na Joint Search and Rescue Team Challenge 2024 ng Police Regional Office CALABARZON.

Sa closing ceremony ng naturang aktibidad, ibinahagi ni Col. Mariano Rodriguez ng PRO-4A na naging maayos sa pangkalahatan ang SAR Team Challenge.

Read More:  12 kilos of suspected shabu worth ₱81.6 million intercepted at Batangas Port

Nabatid na layunin ng SAR na mas paghusayin pa ang kakayahan ng mga kapulisan pagdating sa emergency response sa buong rehiyon.

Read More:  Father swept away by floodwaters in Batangas while trying to save wife and son

Samantala, itinanghal naman na second place ang Regional Mobile Force Battalion 4A at 3rd place ang Cavite Police Regional Office.