Solar Powered Irigation System sa Lobo, Batangas, binisita ng NIA.

Personal na binisita ng mga tauhan ng National Irrigation Administration ang mga itinatayong solar powered irrigation system sa dalawang barangay sa bayan ng Lobo.

Read More:  12 kilos of suspected shabu worth ₱81.6 million intercepted at Batangas Port

Naging katuwang ng NIA ang Municipal Agriculture Office at Fabrica-Poblacion Irrigator Association na silang nangangasiwa sa irrigation system.

Sa pagbisita, tinalakay ang mga impormasyon na kinakailangan para sa matagumpay na pagsasagawa ng irrigation system.

Read More:  Father swept away by floodwaters in Batangas while trying to save wife and son

Hangad ng programang ito na pasiglahin pa ang agrikultura ng Lobo at larangan ng pagpapalayan sa bayan.