Sinimulan ng Cavite Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ang pagtatanim ng mga karagdagang puno sa paligid ng Taal Volcano Protected Landscape.
Mahigit dalawang daang boluntaryo ang nakilahok sa taunang Arbor Day sa Cavite upang ibalik at pagandahin ang natural na kagandahan at ekolohikal na kapaligiran ng lalawigan.
Sa tulong ng mga empleyado ng gobyerno at mga tagapagtaguyod ng kapaligiran, nakapagtanim sila ng higit sa 400 punla sa nasabing lugar.
Layon ng proyektong ito na maibalik sa dati ang gandang taglay ng Bulkang Taal upang masilayan muli ang luntiang mga puno, kagaya bago ito sumabog noong 2020.