Maynilad, pinagmulta ng halos P4-M ng MWSS dahil sa hindi magandang kalidad ng tubig sa ilang barangay sa Imus, Cavite

Pinagmumulta ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) – Regulatory Office ng halos P4-M ang Maynilad dahil sa pagbibigay nito ng hindi magandang kalidad ng tubig sa ilang Barangay sa Imus, Cavite.

Babayaran ito ng Maynilad sa pamamagitan ng rebate o balik-bayad na nagkakahalaga ng P1,122.37 kada customer.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ibabawas ito sa bill ng mga residente ng halos 3,500 kabahayan, sa siyam na Barangay sa Imus.

Ayon sa MWSS, nag-ugat ito sa mala-kulay kalawang na natanggap na tubig ng mga customer ng Maynilad sa Imus mula noong Disyembre 19, 2023 hanggang Enero 24, 2024.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Bukod dito, Nakitaan din ng chlorine residue ang isinu-supply na tubig, na paglabag sa service obligation ng water concessionaire.