Vlogger napasobra sa mukbang sa nilagang ulo ng baka inatake, pumanaw

Pumanaw ang isang content creator matapos atakihin dahil sa sobrang pagkain.

Kinilala ito na si Dongz Apatan mula Iligan City.

Tinuturong dahilan ay ang huling mukbang content nito kung saan pinagpyestahan ang pinalambot na ulo ng baka.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ayon sa kapatid na si Leah, matapos ginawa ang content umalis ito ng bahay, makalipas ang ilang oras nakatanggap sila ng tawag na inatake ito.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Isinailalim ang vlogger sa lahat ng test at doon nalaman na may namumuong dugo sa utak.

Kilala si Dongz Apatan sa kanyang mga putok batok na mukbang content.