Driver at helper naipit sa kargang mga sheet pile, pedestrian na biglang tumawid kahit naka Green sinisisi

Nagkalagus-lagus ang katawan ng driver at helper kasunod sa malagim na aksidenteng sinapit sa Cargo Entrance, Davao International Airport, Garcia Hiway, Brgy Bunawan Davao City.

Ang mga biktima ay sina Nestor Dela Cruz Doronio, 56-anyos, driver at residente ng New Ilocos Magsaysay Davao del Sur, at ang kanyang helper na kinilalang si KR Salem Reasonable, 24-anyos mula sa km.82 Marber, Bansalan Davao del Sur.

Sa imbestigasyon, ang prime mover truck ay kargado ng tone-toneladang sheet pile kung saan pagdating sa lugar sa isang inter section biglang tumawid sa pedestrian lane ang isang Alyas Evaloniie, 32-anyos, Airport Security Assistant at residente ng Sasa Davao City.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Dahil dito biglaan din ang pag-apply ng driver ng preno dahilan para tumagos ang mga bakal sa ulo ng truck kung saan naroon ang mga biktima.

Naipit ang katawan ng dalawa at dahil sa bigat ng mga ng mga bakal ay agad silang binawian ng buhay kung saan nahirapan pa sa pagtanggal sa kanilang katawan ang mga rescuer.

Samantala batay sa kuhang CCTV footage, makikita naka go ang signal light, huminto ang isang pampasaherong jeep sa gitna ng pedestrian lane at bumaba ang isang pasahero at tumakbo sa gitna na nakipagpatentero sa mga sasakyan.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Pagsapit sa gitna sa South Bound Lane ay pinilit pa rin nitong tumawid sa kabilang linya na siya namang biglaang paghinto ng truck na mapapansing umuga pagkatapos magpreno.

Ang nasabing pedestrian ay nabigla at natuliro saglit sa nasaksihang aksidente at pansamantalang kinustudiya ng pulisya para sa imbestigasyon.

Dahil dito sinisi ng mga kaanak ng mga biktima ang pedestrian dahil kung hindi nito pinilit na tumawid kahit naka-go signal pa ang traffic light ay buhay pa sana ang driver at helper ng prime mover truck.