Nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos na hindi natin kailangang humingi ng permiso sa ibang bansa hinggil sa pag ganap ng ating tungkulin sa bansa.
Sa press briefing sa Malacañang ngayong hapon, sinabi ni Defense Secretary Gibo Teodoro na pagkatapos ng naging pagbisita kahapon ni Pangulong Marcos sa Western Command at makausap ang mga sundalong kasama sa rore mission na kinuyog ng China Coastguard, binigyang diin ng Pangulong na hindi isasapubliko ang mga rore mission ng tropa ng pamahalaan.
Hindi rin anya dina-downplay o minamaliit ng Pangulo ang naturang insidente.
Dahil hindi nakikita ng Presidente na isang aksidente o misunderstanding ang nangyari.
Bagkus, naniniwala si Pangulong Marcos na ito ay agresibo at illegal na pag gamit ng dahas.