27 na Pilipinong tripulante sa bagong barkong inatake ng Houthi – ligtas ayon sa DMW

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas ang lahat ng Pilipinong crew ng bulk carrier na inatake ng mga rebeldeng Houthi sa Red Sea noong weekend.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, bigo ang Houthi na i-immobilize ang MV Transworld Navigator.

Read More:  ICC prosecution drops one incident from Duterte case

Dahil aniya rito ay nakapaglayag pa rin ang barko at ligtas ang mga tripulante.

Sinabi ni Cacdac na baka kinakailangan munang umuwi ng mga Pilipinong staff sa kani-kanilang pamilya matapos makaranas ng pag-atake.

Read More:  VP Sara Duterte prays for Philippine peace and father Rodrigo Duterte’s safe return

Noong weekend tinarget ng Yemeni Houthi group ang US aircraft carrier Eisenhower sa Red Sea, at ang Transworld Navigator ship naman sa Arabian Sea.