𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗡𝗣𝗔, 𝗞𝗨𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞-𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 Kusang nagbalik loob sa pamahalaan ang dalawang dating supporter ng NPA sa kapulisan noong ika-22 ng Hunyo, taong kasalukuyan sa probinsiya ng Cagayan.
Isa sa sumuko si Marlyn, 61-anyos na residente sa Lasam, Cagayan habang si alyas Bambi, 53-anyos ay mula naman sa Ballesteros, Cagayan. Isinalaysay ni Marlyn na noong 1987, na-rekrut ito sa Barangay Calassitan at nagsilbi bilang pasabilis, food courier at cook ng kilusan.
Sa Barangay Calassitan, Santo Niño, Cagayan, Barangay Sicalao, Lasam, Cagayan at Apayao ay ang mga lugar kung saan isinasagawa ang operasyon ng kanilang grupo ngunit taong 2000 ay nagdesisyon itong kumalas sa grupo.
Si alyas Bambi naman ay taong 2018 nang marekrut ito ng facilitator ng Unyong Manggagawa at naging aktibo sa mga aktibidad ng grupo kabilang ang mga anti-government rallies.
Aniya, umanib ito sa grupo dahil sa naranasang mababang sahod, labis na oras sa trabaho at upang magkaroon ng sariling lupa na sinasaka.