Nawawalang mangingisda sa Palawan, bangkay na nang matagpuan

Bangkay na nang matagpuan ang katawan ng mangingisdang si Andik Tumpacan, 54-anyos sa karagatan ng bayan ng Aborlan, Palawan bandang alas-singko ng hapon ng Biyernes, ika-21 ng Hunyo.

Si Andik ay taga-Sofronio Española, Palawan at tatlong araw ng nawawala matapos pumalaot noong Martes, June 18.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Batay sa ulat, una nang nakita ang palutang-lutang na katawan ng mangingisda sa katubigan ng Rara Island, Narra Palawan bago nirespondihan ng Philippine Coast Guard – Aborlan.

Read More:  Nine injured as Canlaon City booth burns at Buglasan Festival in Dumaguete

Samantala, mababatid nang manawagan sa Brigada ang pamilya ng biktima matapos na makitang palutang-lutang ang sinasakyang niyang bangka noong nakalipas na araw sa katubigan ng King Paradise sa Sofronio Española.