Ex-Rep. Teves – laya na mula sa house arrest

Kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio na na-release na sa pagkaka-house arrest ang kaniyang kliyente na si former Negros Oriental representative Arnolfo Teves Jr.

Sa Viber message sa mga reporters, sinabi ni Topacio na nagpatupad umano ng ilang mga kondisyon hinggil sa paglaya ng dating mambabatas.

Read More:  LTFRB tightens monitoring of 20% fare discounts during Undas exodus

Kabilang na rito ang regular na pagre-report sa court officer, at commitment na hindi umalis sa Timor Leste habang pending pa ang extradition case.

Sabi ni Topacio, patunay lang daw itong hindi dapat ginagamit ang ‘re-arrested’ na termino, dahil pawang dinala lang daw siya sa kustodiya ng hudikatura.

Read More:  DFA warns Chinese Embassy over controversial social media posts

Maaalalang kamakalawa nang kumpirmahin ng Department of Justice na natapos na ang pagdinig ng Timor Leste court para sa extradition case kay Teves.