Ilan sa pampublikong sasakyan sa Naga City, nagbawas sa oras ng biyahe

NAGA CITY – Nagbawas sa oras ng biyahe ang ilan sa pampublikong sasakyan sa lungsod ng Naga, matapos ang halos araw-araw na nararanasang bigat ng daloy ng trapiko.

Sa panayam kay Reden Dela Cruz, Tricycle Driver, umaabot na lamang siya ng hanggang alas 3 ng hapon sa pamamasada dahil sa patuloy na nararanasang bigat ng trapiko lalo na sa Panganiban Drive, Diversion, at kasentruhan. Isa sa nakikita niyang dahilan ang pagdami ng mga sasakyang pumapasok at ilang mga pa-aktibidad sa lungsod.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ayon naman sa ilang jeepney driver na naka-usap ng BNFM Naga, ramdam na ramdam din nila ang mabagal na usad ng trapiko, ilan din sa kanila limitado ang biyahe.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa naging panayam naman kay Joan Nazareno, Buko Shake Vendor, araw-araw na sumasakay ng tricycle mula pa ng bayan Milaor, Camarines Sur, imbis na maka-uwi ng mga bandang alas 6 ng gabi minsan mga alas 8:30 na dahil sa sobrang bagal ng trapiko at hiling nito sana mas maayos ang trapiko sa lungsod.