Masaker sa Castilla, Sorsogon: mag-ina patay!

SORSOGON CITY – Karumal-dumal na pagkamatay ang sinapit ng mag-ina makaraang imasaker ng hindi pa nakikilang suspek, gabi noong Hulyo 13 sa Brgy Tomalaytay, Castilla, Sorsogon.

Kinilala ang mag-ina na si Rose Ann May Tariga, 23-anyos, may kinakasama at ang 6-anyos na babaeng anak nito.

Sa nakuhang inisyal report ng Brigada News FM-Sorsogon, natagpuan ng biyenang babae ang bangkay ng mag-ina umaga na ng Hulyo 14.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Umano’y naliligo ang dalawa sa sariling dugo, may mga gasgas sa katawan, parehong ginilitan ang mga leeg habang may saksak pa sa mukha ang menor-de-edad. Ang ina naman naman ay halos tumabingi pakaliwa ang panga nito. Posible ding hinalay ang ina dahil natagpuan itong walang saplot at tinakpan lang ng kumot ang katawan nito.

Sa pahayag sa Brigada News ng bagong hepe ng Castilla Police na si PMaj Marmay Fartingca, hihintayin nila ang resulta ng awtopsiya ng SOCO sa mga labi ng biktima para malaman ang iba pang ‘fatal wounds’ ng mga ito at kung may nangyaring panggagahasa.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sinabi rin nito na may ‘person of interest’ na sila at ikinasa na ng kanilang tracker team ang pursuit operations sa nasabing suspek.

PHOTOS exclusive for Brigada News FM-Sorsogon