Importansya ng plastic barrier sa mga tindahan at pampublikong sasakyan , pinaalala

NAGA CITY- Kapansin-pansin na marami na ang walang plastic barrier sa mga tindahan lalo pa sa mga pampublikong lugar, sitwasyong mataas ang tiyansa na makahawa o mahawaan ng COVID-19 ang naririto.

Sa isang webinar sa Naga City ukol sa  Empowering Communities to Prevent the Spread of Covid-19, pinaliwanag ni Dr. Arnold Tabun Jr na tulad ng faceshield may silbi ang plastic na siyang haharang sa virus upang hindi ito direktang lumipat sa nagtitinda at mamimili.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire
Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Bukod dito, pinuna rin ang sistema sa ilang pampublikong sasakyan na may barrier nga ngunit hindi naman nahaharangan ng buo ang pagitan ng dalawang pasahero, nakalabas pa sa barrier ang ulo.

Hindi aniya ito dapat na maging display lamang kaya dapat pa ring ayusin.