BICOL—Binigyan ng mataas na rating ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Legazpi City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) dahil sa pagiging aktibo at most functional unit nito sa Albay.
Ayon kay CADAC chief Ricardo Fontanilla, base sa datus na inilabas ng DILG-Albay, nakuha nila ang highly functional rating na 95 percent salig sa agency-led pre-coronavirus disease 2019 (Covid-19) audit.
Nalagpasan umano ng Legazpi CADAC ang parameters na inilagay ng DILG regional office dahil sa mga inisyatibo nito kabilang ang pagbuo ng barangay anti-drug abuse council bilang pagtalima sa DILG-Dangerous Drugs Board Joint Memorandum Circular (JMC) 2020-01.
Sa kabuuang 70 barangay sa lungsod, 62 nito ang naideklarang drug celared habang walang naitalang malalang kaso ng paggamit ng iligal na droga sa lungsod.
Mayroon lamang umano silang mga naitalang mild cases at sumasalang ang mga ito sa mga interventions sa pamamagitan ng Community-Based Rehabilitation Program (CBRP).
Base sa CADAC data hanggang nitong Maros, 2,058 sa kabuuang 2,085 na indibidwal na nasangkot sa paggamit ng iligal na droga sa lungsod ang naisailalim sa rehabilitation.### | SLM
