Batangas City – Kulungan ang bagsak ng isang tulak matapos mahulihan ng mahigit tatlong daang libong pisong halaga ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Teresa, Rizal.
Kinilala ng mga awtoridad ang tulak na si alyas “Pao Pao”, 24 anyos at residente ng naturang lugar.
Batay sa report, naaresto ang suspek kahapon matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng iligal na droga sa isang pulis na nagpanggap bilang buyer.
Narekober sa suspek ang nasa walumpu’t limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P578,000.00.
Sa ngayon ay hawak na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.