Ex-gov. Pryde Henry – laya na

Nakalaya si dating Negros Oriental gov. Pryde Henry Teves matapos magpiyansa sa kasong may kaugnay sa terorismo laban sa kanya.

Ayon sa PNP-CIDG, na-aresto si Teves sa Barangay Taclobo, Dumaguete City alinsunod sa arrest warrant na inilabas ng Korte.

Read More:  NBI gets new leads on Bato Dela Rosa, continues search for Bantag

Nakalabas ito matapos makapagbayad ng P600,000 na piyansa para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Kung maaalala, na-designate si Teves ng Anti-Terrorism Council (ATC), at 12 iba pa bilang mga terorista.

Read More:  Robredo sees no political bias in Marcos calamity fund distribution

Ito ay dahil sa ‘di umano’y mga patayan at harassment sa lalawigan ng Negros Oriental.

Si dating governor Pryde Henry ay kapatid ni dating representative Arnie Teves, ang ‘di umano’y primary suspect sa pagpatay kay dating Governor Roel Degamo.