DA, umaasa na muling suriin ang isyu ukol sa pagbabawas ng taripa ng bigas

Binigyang diin ng Department of Agriculture (DA) na maaaring muling suriin ng Gabinete ang panukalang pagbawas sa import sa bigas kasunod ng mga puna sa iba’t ibang stakeholders tungkol sa mga potensyal na implikasyon nito.

Read More:  NBI gets new leads on Bato Dela Rosa, continues search for Bantag

Binigyang-diin ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel ang mga alalahanin ng industriya tungkol sa posibilidad na pagbaba ng taripa dahil anila’y hindi ito magreresulta sa pagbaba ng mga presyo ng bigas.

Dagdag pa nito, maaari rin itong makaapekto sa mga lokal na magsasaka dahil magpapababa ito ng mga presyo ng pagbili ng palay.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Saad naman ng kalihim, dapat isaalang-alang ng Gabinete ang isang balanseng diskarte para sa kapakanan ng consumer at ng lokal na agrikultura kapag tinalakay ang isyu sa pagbabawas ng taripa.