Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na nakapagbakuna na ang Pilipinas ng mahigit 375,000 doses ng COVID-19 vaccines, ang pinakamataas na naitalang daily output.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19, 375,059 doses ang naibakuna ng bansa noong July 13.
Dagdag ni Duque, nagsisimula nang mapalapit ang gobyerno sa 500,000 jabs a day, at sakaliing magawa ito, hindi umanong malabo na makamit ang 70% target population.
Ibig sabihin, nasa 70 million Filipinos ang makakakuha ng kanilang first dose sa loob ng 130 araw.
Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na nakapagbakuna na sa buong bansa ng 14 million doses, kung saan 10 million individuals ang nakatanggap ng first dose, habang apat na milyon naman ang fully vaccinated.// MHEL PACIA-TRINIDAD
