Bilanggo na may kasong murder, nakatakas sa Iwahig Prison and Penal Farm

Kinumpirma ng tagapagsalita ng Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Brigada News na isang Person Deprived of Liberty (PDL) ang nakatakas sa piitan noong Biyernes ng Hapon, ika-14 2024.

Ito ay si Jaime Calicdan Sanchez, taga- Pangasinan at may kasong murder at may parusang habang buhay na pagkakulong.

Read More:  Heavy rains trigger flooding, damage dikes in parts of Gensan, Soccsksargen

Ayon kay Eden Flores Larawan ng IPPF, ito ay kabilang sa minimum security categories at nakakulong mula taong 2005.

Kaunay nito, nag-deploy na umano ng mga tauhan ang IPPF sa mga munisipyo at nakikipag-ugnay na sa mga awtoridad para sa mabilis na pagkaaresto sa takas na bilanggo.

Read More:  Woman dies after boulder falls during alleged gold search in Negros Oriental

Ang IPPF ay nanawagan sa mga mamayan na makipag-ugnayan agad sa numerong 0945-846-1568 o sa mga awtoridad.

Samantala, hindi na idinetalye ni Larawan kung paano nakatakas ang nasabing PDL.