Mga tricycle sa Sipocot na namamasada sa Cabusao, Camarines Sur, inireklamo

CAMARINES SUR – Pinoproblema ngayon ng Barcelonita-Sipocot Transport Service Corporation ang mga tricycle na galing sa Sipocot, Camarines Sur na namamasada sa bayan ng Cabusao sa kaparehong probinsya.

Sa reklamong ipinaabot sa Brigada News FM Naga ni Rene Delos Santos, Terminal Officer-In-Charge ng Barcelonita-Sipocot Terminal, magkailang beses na nilang nakikita ang mga tricycle na galing sa Sipocot na namamasada hanggang sa poblacion ng nasabing bayan kung saan naapektuhan na ang kanilang paghahanap buhay dahil halos naagawan na sila ng pasahero. Sa naturang terminal, tanging mga jeepney lamang ang maaaring pumasada sa magkaparehong bayan at hindi kasali rito ang pamamasada ng mga tricycle. Anya, wala namang problema kung naghahatid lamang ng pasyente sa Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center ngunit sa nakikita niya, halos mamasada na ito sa iba pang parte ng bayan.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase
Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa panig naman ng lokal na pamahalaan ng Sipocot, sinabi ni Mayor Tomas Bocago  na handa silang pag-usapan at solusyunan ang anumang reklamo sa kanila upang hindi na lumaki pa ang problema