Patung-patong na reklamo – inihain na ng PNP laban sa anim na KOJC members

Sinampahan na ng patung-patong na kaso ang anim na mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na ‘di umano’y umatake sa mga kapulisan sa paghahain nila ng warrant of arrest laban kay Apollo Quiboloy.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Ayon kay Police Regional Office 11 spokesperson Maj. Catherine dela Rey – nagkaso na sila sa mga ito, kabilang na ang obstruction of justice, disobedience of lawful orders, at maging illegal possession of bladed weapon.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Matatandaang na-relieve sa puwesto ang ilang opisyal ng CIDG sa Davao, maging ang mismong Regional Director ng PRO-11 na si BGen. Aligre Martinez.