Bilang na na-monitor na barkong pandigma ng China sa mga islang inookupa ng bansa sa WPS, dumoble – Navy

Dumoble nag bilang ng mga namonitor na People’s Liberation Army Navy vessel sa mga islang inookupa ng bansa sa West Philippine Sea.

Sa datus , mula sa 11 PLAN noong May 28 hanggang June 3, tumaas ito sa 22 sa isinagawang monitoring noong June 4 hanggang June 10.

Sa 22 na barkong namataan:

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

8 dito ang nasa Ayungin Shoal
5 ang nasa Lawak island
4 sa Sabina shoal
2 sa Panata island
at tig 1 naman sa Pag asa, kota at likas island.

Paliwanag ni Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, ang pagtaas ng bilang na namonitor ng mga barkong pandigma ng China ay kasunod ng katatapos lamang na military execise ng China sa bisinidad ng Sabina shoal noong june 3 hangganh 4.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Samantala, sa kaparehong panahon din, tumaas sa 29 ang Chinese Maritime militia vessel sa Ayungin Shoal mula sa dating 15.

Ang BRP Sierra Madre ay nasa Ayungin shoal kung saan kamakailan ay naiulat ang insidente ng pagkumpiska ng mga Chinese sa supplies na para sa mga sundalong Pilipino naka-destino doon.