KORONADAL CITY – PATAY ang isang lalaki habang arestado naman ang kasamahan nito matapos umanong mag-amok at manlaban sa mga kapulisan pasado ala-1 ng hapon kahapon sa may bahagi ng Sitio Guadalupe, barangay Carpenterhill, Koronadal City.
Kinilala ang nasawing suspek na si Joey John Alvarez Gabucan, alyas “Dodong” 40 anyos, may Asawa, habang arestado naman si Rey Mission Sabal, 29 anyos, binata, isang magsasaka at pareho residente sa naturang lugar. Ayon sa Koronadal City PNP na rumespondi lamang umano ang kanilang tropa matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang concern citizen may kinalaman sa pag-aamok ng naturang mga suspek sa lugar.
Subalit pagdating ng mga kapulisan ay una umano sila pinaputukan ng mga suspek, dahilan upang gumanti putok ang mga ito kung saan tinamaan si alyas “dodong”, at naaresto naman si Sabal. Agad namang isinugod sa pagamutan ang suspek para sa tulong medikal, subalit hindi na ito umabot ng buhay. Narekober sa crime scene ang isang unit ng kalibre 38 at isang unit ng improvised Uzi 9mm, mga bala at basiyo, kasama na ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu.
Sa ngayon ang nahuling suspek ay nananatili sa detention facility ng koronadal City PNP at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.
