Pagbaba ng kita ngayong tag-ulan, inaasahan ng ilang pedicab driver sa Naga

NAGA CITY – Inaasahan ng ilang pedicab drivers sa Naga City ang mababang kita at pagkaunti ng mga pasahero ngayong tag-ulan.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Bobby Homan, 58 taong gulang at residente ng Barangay Calauag na tatlong taon nang namamasada, posible aniya na abutin ng isa hanggang tatlong daang piso na lamang ang kanyang kitain sa pamamasada dahil bukod sa magiging maulan na sa mga susunod na araw, ramdam na rin nila ang pagkonti ng pasahero dahil nakabakasyon na ang ibang mga mag-aaral partikular ang mga nasa elementarya at sekondarya. Kahit na nga mag-isa na lang sa buhay at wala namang sinusustentuhan, mahirap man ang biyahe, ipagpapatuloy pa rin niya ang pamamasada kahit na humina ang kita.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community
Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ayon naman kay Buddy Namia, residente ng Barangay San Felipe na halos walong taon nang pedicab driver, maaaaring panawid gutom lang ang kikitain ngayong tag-ulan, depende pa sa kanilang sipag. Wala pang anak si Buddy ngunit ramdam na nito kung gaano kahirap ang buhay kaya kung may nais man siyang ipanawagan sa gobyerno, iyon ay ang mapababa ang presyo ng mga bilihin.