Southern Metro Manila, mahigpit na mino-monitor ng PAOCC

Binabantayan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mga lugar sa southern Metro Manila para sa mga ilegal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ayon kay PAOCC Spokesperson Winston John Casio, kabilang sa kanilang mahigpit na binabantayan ang Muntinlupa, Makati, Pasay, at Parañaque.

Read More:  ₱7.2 trillion 2027 budget wins House approval amid pork barrel allegations

Ito’y matapos makatanggap sila ng ulat na nakarating na sa Metro Manila ang mga nakatakas na manggagawa mula sa na-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga.

Dagdag pa ni Casio na binabantayan din ng mga awtoridad ang mga ilegal na POGO sa Cavite, kabilang ang mga nasa Bacoor at Dasmarinas.

Read More:  DMW: No deployment ban for OFWs bound for Saudi Arabia despite attacks

Hinala ng mga awtoridad, ginagamit ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang gateway para sa operasyon ng mga ilegal na POGO sa southern part ng Metro Manila.

Sa gitna ng sunud-sunod na pagsalakay ng POGO, sinabi ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco na ang tunay na banta ay mula sa mga sindikato at hindi mula sa mga lehitimong at lisensyadong POGO.