Mt. Kanlaon – ‘di pa rin ibababa sa alert level 1 sa kabila ng bahagyang pagkamla nito

Bagamat tuloy sa pagbaba ang bilang ng mga naitatalang volcanic earthquakes sa #KanlaonVolcano – sinabi ng PHIVOLCS na masiyado pang maaga para ibaba ang alert level nito sa level 1, mula sa level 2.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay PHIVOLCS director Teresito Bacolcol – sinabi niyang mayroong naitalang 19 volcanic earthquakes sa bulkan.

Mayroon pa rin itong plume na may 1,500 ang taas, at ibinugang asupre na aabot ng 1,412 tonelada kada araw.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Sabi ni Bacolcol, kung pagbabatayan ang history ng mga naging pagsabog ng Mt. Kanlaon – kailangan pang hantayin ng ‘at least’ sa dalawang linggo bago sila makapagbaba ng alert level 1.