Pagdi-disqualify sa mga pulitikong gagamit ng deepfake, inaaral na rin ng COMELEC

Nanindigan si Commission on Elections (Comelec) chief George Erwin Garcia na posibleng maharap sa ‘chaos’ o kaguluhan ang Pilipinas kung pahihintulutan ang presensya ng artificial intelligence (AI) o deepfake technology sa nalalapit na midterm polls.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Ayon kay Garcia, dahil kasi sa teknolohiyang ito – maaaring magmukhang masama at mabuti ang isang kandidato.

Hinikayat naman din nito ang publiko na maging involved sa issue dahil banta ito sa demokrasya ng bansa.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Sa huli, sinabi ng komisyoner na imumungkahi niya sa Commission en banc na gawing election offense case at disqualification charges ang paggamit ng AI at deepfake sa susunod na halalan.