Lalaki, arestado matapos katayin ang kanyang aso para ihanda sa graduation sa Baguio City

Sinampahan na ng reklamong paglabag sa Animal Welfare Act ang isang lalaki sa Baguio City dahil sa pagkatay nito sa alaga niyang aso.

Base sa imbestigasyon ng Biyaya Animal care, kinatay ang aso para ihanda sa isang graduation party.

Posibleng maharap ang suspek sa 2 taong pagkakakulong at multang nasa P100,000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *