Idineklara na bilang insurgency free at “in State of Stable Internal Peace and Security” ang bayan ng San Agustin, Isabela kaninang umaga.
Isa ang nasabing bayan na kabilang sa JESSA Complex na kilalang pugad ng mga NPA.
Matatandaan na una nang naideklarang insurgency free ang Jones, Echague Angadanan, at San Guillermo.
Isinagawa ang deklarasyon kasabay ng flag raising kaninang umaga sa pangunguna ni Mayor Cesar Mondala.