Pinaalalahanan ng Local na Pamahalaan ng Mallig na panatilihin ng mga nagbebenta at mamimili ang kalinisan sa bagong multi-purpose building na magsisilbing vegetable section at trading center sa pampublikong pamilihan ng kanilang bayan.
Pinondohan ito sa ilalim ng its FY 2023 Financial Assistance to Local Government Units kung saan mayroon itong lawak na 574 square meter.
Kasabay ng naturang aktibidad ay ang groundbreaking ng food park na planong ipatayo sa lugar kung saan gagamitin ang pondo sa ilalim ng FY 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund.
Ipinunto naman sa mensahe ni DILG-Isabela Provincial Director Corazon Toribio ang kahalagahan ng pagkakaroon ng infrastructure projects sa Annual Investment Plan ng bawat LGU upang mabilis ang implementasyon ng proyekto sa oras na matanggap na nila ang pondo mula sa National Government.