Mayor Guo – pinatawan ng 6-month preventive suspension ng Ombudsman

Pinatawan na ng Office of the Ombudsman ng ‘preventive suspension’ si Bamban Mayor Alice Guo.

Anim na buwan siyang suspendido nang walang bayad.

Maliban kay Guo – suspendido rin si Edwin Ocampo – ang busines permit and licensing officer ng munisipyo; at isang Adenn Sigua, ang municipal legal officer.

Kasunod ‘yan ng administrative complaint na inihain ng DILG laban sa aklalde hinggil sa umano’y kuneksyon niya sa POGO sa kaniyang bayan.

Epektibo ito ngayong araw matapos isilbi ang order sa kanilang Municipal Administrator.

Sa hiwalay na pahayag – wi-nelcome ni Senadora Risa Hontiveros ang naging desisyon ng Ombudsman.

Aniya, ‘dapat lang ito’, dahil mula pa lang daw nang ni-raid nila ang POGO hub sa Bamban ay kaagad na nilang ipinanawagan ang suspension laban sa Akalde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *