DMW – walang na-monitor na Pilipinong nasaktan sa lindol sa Japan

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na tuluy-tuloy ang pakikipag-coordinate nila sa mga otoridad at counterparts sa Japan.

Ito’y makaraang maitala ang 4.8 magnitude na lindol sa bahagi ng Noto Peninsula, hilagang bahagi ng Ishikawa Prefecture sa Honshu, Japan.

Read More:  Jobless Filipinos rise to 3.14 million in July

Ayon sa DMW – nakikipag-usap na sila sa Migrant Workeres Office sa Osaka para kumustahin ang sitwasyon ng ating mga kababayan doon.

Read More:  Quezon City RTC issues arrest warrant vs. VP Sara Duterte

Sa ngayon, wala umanong na-monitor na Pilipinong nasugatan, ‘o nasawi sa pagyanig.

Tiniyak din ng DMW ang tulong sa ating mga kababayan sa Japan.