Dagdag-bawas oil prices – sasalubong sa unang Lunes ng Hunyo

Simula bukas, araw ng Martes, ay lalarga na ang bagong round ng oil price adjustment.

Sa mga motoristang de-gasolina – good news ang sumalubong sa inyo sa unang Lunes ng Hunyo.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

May itatapyas kasi na P0.90 sa kada litro ng gasolina.

Bad news naman sa mga may sasakyang diesel ang gamit dahil price hike na P0.60 kada litro ang ipatutupad bukas.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Umento rin na P0.80 ang adjustment sa kada litro ng kerosene.

Ito na ang ikatlong linggong sunud-sunod na oil price hike para sa diesel at sa kerosene.