Temporary suspension ng quarry sa lupa ng pamilyang alparce sa Malilipot, Albay, posibleng iisyu kapag nakitang delikado ito sa lugar  

LEGAZPI CITY – Posibleng mag-isyu ng temporary suspension ng quarry sa lupa ng Pamilyang Alparce sa Brgy. Binitayan, Malilipot, Albay kung makita at mapatunayang delikado ang aktibidad na ito sa lugar ayon sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) Bicol.

Read More:  MILF convoy stopped at Lanao del Norte checkpoint

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay MGB Bicol Regional Director Guillermo Molina, sinabi niya na maliban sa mga permits and clearances, iimbestigahan din ang status ng lugar tulad ng environmental at safety situation.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Kanila umanong titignan kung open for mining ang lupa, at oras na lumabas sa findings na maaari itong magsanhi ng pinsala, injuries o kamatayan sa komunidad malapit dito, dito na magi-isyu ng suspension sa operasyon.